3Isulat ninyo sa mga batong ito ang lahat ng kautusan kapag nakapasok na kayo sa lupaing masagana sa gatas at pulot na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ayon sa ipinangako niya sa inyo.
4Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, itayo ninyo ang mga batong ito sa Bundok ng Ebal, ayon sa iniutos ko sa inyo sa araw na ito, at pahiran ninyo ng apog ang palibot nito.
5Pagkatapos, gumawa kayo roon ng batong altar para sa Panginoon na inyong Diyos. Huwag kayong gagamit ng anumang kagamitang bakal sa pagtatabas nito.
6Ang mga bato na gagawin ninyong altar ay dapat hindi pa natabasan. Pagkatapos, maghandog kayo sa altar na ito ng mga handog na sinusunog para sa Panginoon na inyong Diyos.
7Mag-alay din kayo ng handog pangkapayapaan sa Panginoon at kainin ninyo ito doon, at magsaya kayo sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos.