Deuteronomio 27

Isulat ninyo sa mga batong ito ang lahat ng kautusan kapag nakapasok na kayo sa lupaing masagana sa gatas at pulot na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ayon sa ipinangako niya sa inyo.

Deuteronomy 27:3 (UKJV) And you shall write upon them all the words of this law, when you are passed over, that you may go in unto the land which the LORD your God gives you, a land that flows with milk and honey; as the LORD God of your fathers has promised you.

1Pagkatapos, inutusan nila Moises at ng mga tagapamahala ng Israel ang mga mamamayan, “Sundin ninyong lahat ang mga utos na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito.

2Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, doon sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, magtumpok kayo ng malalaking bato, at pahiran ninyo ang palibot nito ng apog.

3Isulat ninyo sa mga batong ito ang lahat ng kautusan kapag nakapasok na kayo sa lupaing masagana sa gatas at pulot na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ayon sa ipinangako niya sa inyo.

4Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, itayo ninyo ang mga batong ito sa Bundok ng Ebal, ayon sa iniutos ko sa inyo sa araw na ito, at pahiran ninyo ng apog ang palibot nito.

5Pagkatapos, gumawa kayo roon ng batong altar para sa Panginoon na inyong Diyos. Huwag kayong gagamit ng anumang kagamitang bakal sa pagtatabas nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.