Deuteronomio 27

Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, doon sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, magtumpok kayo ng malalaking bato, at pahiran ninyo ang palibot nito ng apog.

Deuteronomy 27:2 (UKJV) And it shall be on the day when all of you shall pass over Jordan unto the land which the LORD your God gives you, that you shall set you up great stones, and smear them with plaster:

1Pagkatapos, inutusan nila Moises at ng mga tagapamahala ng Israel ang mga mamamayan, “Sundin ninyong lahat ang mga utos na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito.

2Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, doon sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, magtumpok kayo ng malalaking bato, at pahiran ninyo ang palibot nito ng apog.

3Isulat ninyo sa mga batong ito ang lahat ng kautusan kapag nakapasok na kayo sa lupaing masagana sa gatas at pulot na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ayon sa ipinangako niya sa inyo.

4Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, itayo ninyo ang mga batong ito sa Bundok ng Ebal, ayon sa iniutos ko sa inyo sa araw na ito, at pahiran ninyo ng apog ang palibot nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.