Deuteronomio 27

Pagkatapos, inutusan nila Moises at ng mga tagapamahala ng Israel ang mga mamamayan, “Sundin ninyong lahat ang mga utos na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito.

Deuteronomy 27:1 (UKJV) And Moses with the elders of Israel commanded the people, saying, Keep all the commandments which I command you this day.

1Pagkatapos, inutusan nila Moises at ng mga tagapamahala ng Israel ang mga mamamayan, “Sundin ninyong lahat ang mga utos na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito.

2Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, doon sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, magtumpok kayo ng malalaking bato, at pahiran ninyo ang palibot nito ng apog.

3Isulat ninyo sa mga batong ito ang lahat ng kautusan kapag nakapasok na kayo sa lupaing masagana sa gatas at pulot na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ayon sa ipinangako niya sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.