Deuteronomio 28

Kaya huwag ninyong susuwayin ang alinman sa iniuutos ko sa inyo sa araw na ito, at huwag kayong susunod sa ibang mga diyos at maglilingkod sa kanila.

Deuteronomy 28:14 (UKJV) And you shall not go aside from any of the words which I command you this day, to the right hand, or to the left, to go after other gods to serve them.

12Padadalhan kayo ng Panginoon ng ulan sa tamang panahon mula sa taguan ng kayamanan niya sa langit, at pagpapalain niya ang lahat ng ginagawa ninyo. Magpapautang kayo sa maraming bansa, ngunit kayo ay hindi mangungutang.

13Gagawin kayo ng Panginoon na pinuno ng mga bansa, at hindi tagasunod lang. Lagi kayong nasa itaas at hindi sa ilalim kung susundin ninyong mabuti ang mga utos ng Panginoon na inyong Diyos na ibinibigay ko sa inyo ngayon.

14Kaya huwag ninyong susuwayin ang alinman sa iniuutos ko sa inyo sa araw na ito, at huwag kayong susunod sa ibang mga diyos at maglilingkod sa kanila.

15Subalit kung hindi kayo susunod sa Panginoon na inyong Diyos at hindi susunding mabuti ang lahat ng utos niya at tuntunin na ibinibigay ko sa inyo ngayon, mararanasan ninyo ang lahat ng sumpang ito:

16Susumpain ng Panginoon ang inyong mga lungsod at bukid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.