14Kaya huwag ninyong susuwayin ang alinman sa iniuutos ko sa inyo sa araw na ito, at huwag kayong susunod sa ibang mga diyos at maglilingkod sa kanila.
15Subalit kung hindi kayo susunod sa Panginoon na inyong Diyos at hindi susunding mabuti ang lahat ng utos niya at tuntunin na ibinibigay ko sa inyo ngayon, mararanasan ninyo ang lahat ng sumpang ito:
16Susumpain ng Panginoon ang inyong mga lungsod at bukid.
17Susumpain niya ang inyong mga ani at pagkain.
18Susumpain niya kayo sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng kaunting anak, ani, at hayop.