17Susumpain niya ang inyong mga ani at pagkain.
18Susumpain niya kayo sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng kaunting anak, ani, at hayop.
19Susumpain niya ang lahat ng gagawin ninyo.
20Ang Panginoon mismo ang magpapadala ng mga sumpa, kaguluhan at kalituhan sa lahat ng gagawin ninyo hanggang sa malipol kayo at tuluyang mawala, dahil sa masama ninyong ginagawa sa pamamagitan ng pagsuway sa kanya.
21Padadalhan kayo ng Panginoon ng mga salot hanggang sa mamatay kayo roon sa lupain na titirhan at aangkinin ninyo.