25Ipapatalo kayo ng Panginoon sa inyong mga kaaway. Sama-sama kayong sasalakay sa kanila, ngunit magkakanya-kanya kayo sa pagtakas. Magiging kasuklam-suklam kayo sa lahat ng kaharian sa mundo.
26Kakainin ng mga ibon at mababangis na hayop ang mga bangkay ninyo, at walang magtataboy sa kanila.
27Pahihirapan kayo ng Panginoon sa mga bukol na ipinadala niya sa mga Ehipsiyo. Patutubuan niya kayo ng bukol, pangangati at galis na hindi gumagaling.
28Gagawin kayong baliw ng Panginoon, bubulagin at lilituhin.
29Mangangapa kayo kahit na araw tulad ng isang bulag. Hindi kayo uunlad sa lahat ng ginagawa ninyo. Palagi kayong aapihin at pagnanakawan, at walang tutulong sa inyo.