Deuteronomio 28

Aagawin ng ibang lalaki ang babaeng magiging asawa ninyo. Magpapatayo kayo ng mga bahay ngunit hindi kayo ang titira rito. Magtatanim kayo ng ubas ngunit hindi kayo ang makikinabang sa mga bunga nito.

Deuteronomy 28:30 (UKJV) You shall betroth a wife, and another man shall lie with her: you shall build an house, and you shall not dwell therein: you shall plant a vineyard, and shall not gather the grapes thereof.

28Gagawin kayong baliw ng Panginoon, bubulagin at lilituhin.

29Mangangapa kayo kahit na araw tulad ng isang bulag. Hindi kayo uunlad sa lahat ng ginagawa ninyo. Palagi kayong aapihin at pagnanakawan, at walang tutulong sa inyo.

30Aagawin ng ibang lalaki ang babaeng magiging asawa ninyo. Magpapatayo kayo ng mga bahay ngunit hindi kayo ang titira rito. Magtatanim kayo ng ubas ngunit hindi kayo ang makikinabang sa mga bunga nito.

31Kakatayin ang baka ninyo sa inyong harapan, ngunit hindi ninyo ito makakain. Pipiliting kunin sa inyo ang inyong mga asno, at hindi na ito ibabalik sa inyo. Ibibigay ang inyong mga tupa sa inyong mga kaaway, at walang tutulong sa inyo para mabawi ito.

32Habang nakatingin kayo, bibihagin ang mga anak ninyo ng mga taga-ibang bansa, at araw-araw kayong aasang babalik sila, ngunit wala kayong magagawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.