Deuteronomio 28

Habang nakatingin kayo, bibihagin ang mga anak ninyo ng mga taga-ibang bansa, at araw-araw kayong aasang babalik sila, ngunit wala kayong magagawa.

Deuteronomy 28:32 (UKJV) Your sons and your daughters shall be given unto another people, and yours eyes shall look, and fail with longing for them all the day long; and there shall be no might in yours hand.

30Aagawin ng ibang lalaki ang babaeng magiging asawa ninyo. Magpapatayo kayo ng mga bahay ngunit hindi kayo ang titira rito. Magtatanim kayo ng ubas ngunit hindi kayo ang makikinabang sa mga bunga nito.

31Kakatayin ang baka ninyo sa inyong harapan, ngunit hindi ninyo ito makakain. Pipiliting kunin sa inyo ang inyong mga asno, at hindi na ito ibabalik sa inyo. Ibibigay ang inyong mga tupa sa inyong mga kaaway, at walang tutulong sa inyo para mabawi ito.

32Habang nakatingin kayo, bibihagin ang mga anak ninyo ng mga taga-ibang bansa, at araw-araw kayong aasang babalik sila, ngunit wala kayong magagawa.

33Kakainin ng mga taong hindi ninyo nakikilala ang pinaghirapan ninyo, at palagi kayong aapihin at pahihirapan.

34At kapag nakita ninyo itong lahat, mababaliw kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.