56Kahit na ang mahinhin at napakabait na babae ay magiging mabangis sa kanyang minamahal na asawaʼt mga anak.
57Itatago niya ang kanyang anak na kapapanganak pa lang at ang inunan nito para kainin nang lihim, dahil natatakot siyang walang makain habang sinasakop ng inyong mga kaaway ang mga lungsod.
58Kung hindi ninyo susunding mabuti ang lahat ng mga utos na nakasulat sa aklat na ito, at hindi igagalang ang kahanga-hanga at kamangha-manghang pangalan ng Panginoon na inyong Diyos,
59padadalhan kayo ng Panginoon at ang inyong mga lahi ng malulubhang karamdaman na sobrang sakit at wala nang lunas para dito.
60Ipapalasap niya sa inyo ang nakakatakot na mga karamdaman na ipinadala niya sa Ehipto, at mananatili ito sa inyo.