Deuteronomio 28

Ipapalasap niya sa inyo ang nakakatakot na mga karamdaman na ipinadala niya sa Ehipto, at mananatili ito sa inyo.

Deuteronomy 28:60 (UKJV) Moreover he will bring upon you all the diseases of Egypt, which you were afraid of; and they shall cleave unto you.

58Kung hindi ninyo susunding mabuti ang lahat ng mga utos na nakasulat sa aklat na ito, at hindi igagalang ang kahanga-hanga at kamangha-manghang pangalan ng Panginoon na inyong Diyos,

59padadalhan kayo ng Panginoon at ang inyong mga lahi ng malulubhang karamdaman na sobrang sakit at wala nang lunas para dito.

60Ipapalasap niya sa inyo ang nakakatakot na mga karamdaman na ipinadala niya sa Ehipto, at mananatili ito sa inyo.

61Ipapalasap din sa inyo ng Panginoon ang lahat ng uri ng karamdaman na hindi naisulat sa Aklat ng Kautusan, hanggang sa mamatay kayo.

62Kahit na kasindami kayo ng bituin sa langit, kakaunti lang ang matitira sa inyo dahil hindi kayo sumunod sa Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.