Deuteronomio 28

Ipapalasap din sa inyo ng Panginoon ang lahat ng uri ng karamdaman na hindi naisulat sa Aklat ng Kautusan, hanggang sa mamatay kayo.

Deuteronomy 28:61 (UKJV) Also every sickness, and every plague, which is not written in the book of this law, them will the LORD bring upon you, until you be destroyed.

59padadalhan kayo ng Panginoon at ang inyong mga lahi ng malulubhang karamdaman na sobrang sakit at wala nang lunas para dito.

60Ipapalasap niya sa inyo ang nakakatakot na mga karamdaman na ipinadala niya sa Ehipto, at mananatili ito sa inyo.

61Ipapalasap din sa inyo ng Panginoon ang lahat ng uri ng karamdaman na hindi naisulat sa Aklat ng Kautusan, hanggang sa mamatay kayo.

62Kahit na kasindami kayo ng bituin sa langit, kakaunti lang ang matitira sa inyo dahil hindi kayo sumunod sa Panginoon na inyong Diyos.

63Gaya ng kasiyahan ng Panginoon sa pagpapaunlad at pagpaparami sa inyo, ikasisiya rin niya ang pagwasak at pagpatay sa inyo, hanggang sa mawala kayo sa lupaing titirhan at aangkinin ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.