Deuteronomio 28

Kahit na kasindami kayo ng bituin sa langit, kakaunti lang ang matitira sa inyo dahil hindi kayo sumunod sa Panginoon na inyong Diyos.

Deuteronomy 28:62 (UKJV) And all of you shall be left few in number, whereas all of you were as the stars of heaven for multitude; because you would not obey the voice of the LORD your God.

60Ipapalasap niya sa inyo ang nakakatakot na mga karamdaman na ipinadala niya sa Ehipto, at mananatili ito sa inyo.

61Ipapalasap din sa inyo ng Panginoon ang lahat ng uri ng karamdaman na hindi naisulat sa Aklat ng Kautusan, hanggang sa mamatay kayo.

62Kahit na kasindami kayo ng bituin sa langit, kakaunti lang ang matitira sa inyo dahil hindi kayo sumunod sa Panginoon na inyong Diyos.

63Gaya ng kasiyahan ng Panginoon sa pagpapaunlad at pagpaparami sa inyo, ikasisiya rin niya ang pagwasak at pagpatay sa inyo, hanggang sa mawala kayo sa lupaing titirhan at aangkinin ninyo.

64Ikakalat kayo ng Panginoon sa lahat ng bansa sa bawat sulok ng mundo. At dooʼy sasamba kayo sa ibang mga diyos na gawa sa kahoy at bato, na hindi ninyo nakikilala o ng inyong mga ninuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.