Deuteronomio 28

Ipapatalo ng Panginoon sa inyo ang mga kaaway na sasalakay sa inyo. Sama-sama silang sasalakay sa inyo ngunit magkakanya-kanya sila sa pagtakas.

Deuteronomy 28:7 (UKJV) The LORD shall cause yours enemies that rise up against you to be smitten before your face: they shall come out against you one way, and flee before you seven ways.

5Pagpapalain niya kayo ng masaganang ani at pagkain.

6Pagpapalain niya ang lahat ng ginagawa ninyo.

7Ipapatalo ng Panginoon sa inyo ang mga kaaway na sasalakay sa inyo. Sama-sama silang sasalakay sa inyo ngunit magkakanya-kanya sila sa pagtakas.

8Pagpapalain ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng ginagawa ninyo at pupunuin niya ng ani ang mga bodega ninyo. Pagpapalain niya kayo sa lupaing ibinibigay niya sa inyo.

9Ayon sa ipinangako ng Panginoon na inyong Diyos, gagawin niya kayo na pinili niyang mamamayan, kung susundin ninyo ang kanyang mga utos at mamumuhay ng ayon sa kanyang pamamaraan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.