10Sa araw na ito, nakatayo kayo sa harap ng harapan ng Panginoon na inyong Diyos: ang mga pinuno ng mga angkan ninyo, ang mga tagapamahala, ang mga opisyal at lahat ng kalalakihan ng Israel,
11ang mga asawaʼt mga anak ninyo, at ang mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo na inyong tagasibak at taga-igib.
12Nakatayo kayo rito ngayon para gawin ang kasunduan sa Panginoon na inyong Diyos. Sinusumpaan ng Panginoon ang kasunduang ito ngayon.
13Gusto niyang mapatunayan sa inyo sa araw na ito na kayo ang mamamayan niya at siya ang Diyos ninyo ayon sa ipinangako niya sa inyo at sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob.
14Hindi lamang sa inyo ako nakikipagkasundo na may kalakip na sumpa.