Deuteronomio 29

Sa araw na ito, nakatayo kayo sa harap ng harapan ng Panginoon na inyong Diyos: ang mga pinuno ng mga angkan ninyo, ang mga tagapamahala, ang mga opisyal at lahat ng kalalakihan ng Israel,

Deuteronomy 29:10 (UKJV) All of you stand this day all of you before the LORD your God; your captains of your tribes, your elders, and your officers, with all the men of Israel,

8Inagaw natin ang lupain nila at ibinigay ito sa mga lahi nina Ruben, Gad at sa kalahating lahi ni Manases bilang mana nila.

9Kaya sundin ninyong mabuti ang mga ipinatutupad ng kasunduang ito, para maging matagumpay kayo sa lahat ng ginagawa ninyo.

10Sa araw na ito, nakatayo kayo sa harap ng harapan ng Panginoon na inyong Diyos: ang mga pinuno ng mga angkan ninyo, ang mga tagapamahala, ang mga opisyal at lahat ng kalalakihan ng Israel,

11ang mga asawaʼt mga anak ninyo, at ang mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo na inyong tagasibak at taga-igib.

12Nakatayo kayo rito ngayon para gawin ang kasunduan sa Panginoon na inyong Diyos. Sinusumpaan ng Panginoon ang kasunduang ito ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.