Deuteronomio 29

Kaya sundin ninyong mabuti ang mga ipinatutupad ng kasunduang ito, para maging matagumpay kayo sa lahat ng ginagawa ninyo.

Deuteronomy 29:9 (UKJV) Keep therefore the words of this covenant, and do them, that all of you may prosper in all that all of you do.

7Pagdating natin sa lugar na ito, nakipaglaban sa atin si Haring Sihon ng Hesbon at si Haring Og ng Bashan, ngunit tinalo natin sila.

8Inagaw natin ang lupain nila at ibinigay ito sa mga lahi nina Ruben, Gad at sa kalahating lahi ni Manases bilang mana nila.

9Kaya sundin ninyong mabuti ang mga ipinatutupad ng kasunduang ito, para maging matagumpay kayo sa lahat ng ginagawa ninyo.

10Sa araw na ito, nakatayo kayo sa harap ng harapan ng Panginoon na inyong Diyos: ang mga pinuno ng mga angkan ninyo, ang mga tagapamahala, ang mga opisyal at lahat ng kalalakihan ng Israel,

11ang mga asawaʼt mga anak ninyo, at ang mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo na inyong tagasibak at taga-igib.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.