Deuteronomio 29

Pagdating natin sa lugar na ito, nakipaglaban sa atin si Haring Sihon ng Hesbon at si Haring Og ng Bashan, ngunit tinalo natin sila.

Deuteronomy 29:7 (UKJV) And when all of you came unto this place, Sihon the king of Heshbon, and Og the king of Bashan, came out against us unto battle, and we stroke them:

5Sa loob ng apatnapung taon na pinangunahan ko kayo sa ilang, hindi naluma ang mga damit at sandalyas ninyo.

6Wala kayong pagkain doon o alak o ng iba pang inumin, ngunit binigyan kayo ng Panginoon ng mga kailangan ninyo para malaman ninyong siya ang Panginoon na inyong Diyos.

7Pagdating natin sa lugar na ito, nakipaglaban sa atin si Haring Sihon ng Hesbon at si Haring Og ng Bashan, ngunit tinalo natin sila.

8Inagaw natin ang lupain nila at ibinigay ito sa mga lahi nina Ruben, Gad at sa kalahating lahi ni Manases bilang mana nila.

9Kaya sundin ninyong mabuti ang mga ipinatutupad ng kasunduang ito, para maging matagumpay kayo sa lahat ng ginagawa ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.