Deuteronomio 29

Sa loob ng apatnapung taon na pinangunahan ko kayo sa ilang, hindi naluma ang mga damit at sandalyas ninyo.

Deuteronomy 29:5 (UKJV) And I have led you forty years in the wilderness: your clothes are not becoming old upon you, and your shoe is not becoming old upon your foot.

3Nakita ninyo noon ang matinding pagsubok, ang mga himala at ang mga kamangha-manghang gawa.

4Ngunit hanggang ngayon, hindi pa kayo pinagkalooban ng Panginoon ng isip na nakakaunawa, o kayaʼy mga matang nakakakita at mga taingang nakakarinig.

5Sa loob ng apatnapung taon na pinangunahan ko kayo sa ilang, hindi naluma ang mga damit at sandalyas ninyo.

6Wala kayong pagkain doon o alak o ng iba pang inumin, ngunit binigyan kayo ng Panginoon ng mga kailangan ninyo para malaman ninyong siya ang Panginoon na inyong Diyos.

7Pagdating natin sa lugar na ito, nakipaglaban sa atin si Haring Sihon ng Hesbon at si Haring Og ng Bashan, ngunit tinalo natin sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.