Deuteronomio 29

Ngunit hanggang ngayon, hindi pa kayo pinagkalooban ng Panginoon ng isip na nakakaunawa, o kayaʼy mga matang nakakakita at mga taingang nakakarinig.

Deuteronomy 29:4 (UKJV) Yet the LORD has not given you an heart to perceive, and eyes to see, and ears to hear, unto this day.

2Ipinatawag ni Moises ang lahat ng Israelita at sinabi sa kanila: Nakita ninyo ang lahat ng ginawa ng Panginoon sa Faraon at sa lahat ng opisyal niya at sa buong Ehipto.

3Nakita ninyo noon ang matinding pagsubok, ang mga himala at ang mga kamangha-manghang gawa.

4Ngunit hanggang ngayon, hindi pa kayo pinagkalooban ng Panginoon ng isip na nakakaunawa, o kayaʼy mga matang nakakakita at mga taingang nakakarinig.

5Sa loob ng apatnapung taon na pinangunahan ko kayo sa ilang, hindi naluma ang mga damit at sandalyas ninyo.

6Wala kayong pagkain doon o alak o ng iba pang inumin, ngunit binigyan kayo ng Panginoon ng mga kailangan ninyo para malaman ninyong siya ang Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.