1Ito ang mga tuntunin ng pagsunod sa kasunduang ipinagawa ng Panginoon kay Moises sa mga Israelita sa Moab, maliban pa sa kasunduan na ginawa niya sa kanila sa Horeb.
2Ipinatawag ni Moises ang lahat ng Israelita at sinabi sa kanila: Nakita ninyo ang lahat ng ginawa ng Panginoon sa Faraon at sa lahat ng opisyal niya at sa buong Ehipto.
3Nakita ninyo noon ang matinding pagsubok, ang mga himala at ang mga kamangha-manghang gawa.
4Ngunit hanggang ngayon, hindi pa kayo pinagkalooban ng Panginoon ng isip na nakakaunawa, o kayaʼy mga matang nakakakita at mga taingang nakakarinig.