Deuteronomio 29

Wala kayong pagkain doon o alak o ng iba pang inumin, ngunit binigyan kayo ng Panginoon ng mga kailangan ninyo para malaman ninyong siya ang Panginoon na inyong Diyos.

Deuteronomy 29:6 (UKJV) All of you have not eaten bread, neither have all of you drunk wine or strong drink: that all of you might know that I am the LORD your God.

4Ngunit hanggang ngayon, hindi pa kayo pinagkalooban ng Panginoon ng isip na nakakaunawa, o kayaʼy mga matang nakakakita at mga taingang nakakarinig.

5Sa loob ng apatnapung taon na pinangunahan ko kayo sa ilang, hindi naluma ang mga damit at sandalyas ninyo.

6Wala kayong pagkain doon o alak o ng iba pang inumin, ngunit binigyan kayo ng Panginoon ng mga kailangan ninyo para malaman ninyong siya ang Panginoon na inyong Diyos.

7Pagdating natin sa lugar na ito, nakipaglaban sa atin si Haring Sihon ng Hesbon at si Haring Og ng Bashan, ngunit tinalo natin sila.

8Inagaw natin ang lupain nila at ibinigay ito sa mga lahi nina Ruben, Gad at sa kalahating lahi ni Manases bilang mana nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.