Deuteronomio 30

Makinig kayo! Sa araw na ito, pinapapili ko kayo: buhay o kamatayan, kasaganaan o kahirapan.

Deuteronomy 30:15 (UKJV) See, I have set before you this day life and good, and death and evil;

13Wala rin naman ito sa kabila ng dagat para magtanong kayo, “Sino ba ang tatawid sa dagat para kunin ito at ipahayag sa atin upang masunod natin?”

14Hindi, napakalapit ng kautusan sa inyo; nasa bibig at puso ninyo ito upang inyong sundin.

15Makinig kayo! Sa araw na ito, pinapapili ko kayo: buhay o kamatayan, kasaganaan o kahirapan.

16Inuutusan ko kayo ngayong mahalin ang Panginoon na inyong Diyos, na mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, at sundin ang kanyang mga utos at tuntunin. Kapag ginawa ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal at dadami, at pagpapalain kayo ng Panginoon doon sa lupaing titirhan at aangkinin ninyo.

17Ngunit kung tatalikod kayo at hindi susunod sa kanya, at kung sasamba kayo at maglilingkod sa ibang mga diyos;

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.