Deuteronomio 30

Wala rin naman ito sa kabila ng dagat para magtanong kayo, “Sino ba ang tatawid sa dagat para kunin ito at ipahayag sa atin upang masunod natin?”

Deuteronomy 30:13 (UKJV) Neither is it beyond the sea, that you should say, Who shall go over the sea for us, and bring it unto us, that we may hear it, and do it?

11Hindi mahirap unawain at gawin ang mga utos na ito na ibinibigay ko sa inyo ngayon.

12Wala ito sa langit para magtanong kayo, “Sino ba ang aakyat sa langit para kunin ito at ipahayag sa atin upang masunod natin?”

13Wala rin naman ito sa kabila ng dagat para magtanong kayo, “Sino ba ang tatawid sa dagat para kunin ito at ipahayag sa atin upang masunod natin?”

14Hindi, napakalapit ng kautusan sa inyo; nasa bibig at puso ninyo ito upang inyong sundin.

15Makinig kayo! Sa araw na ito, pinapapili ko kayo: buhay o kamatayan, kasaganaan o kahirapan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.