Deuteronomio 30

at kung sa mga oras na iyon ay magbabalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos, at susundin ninyo nang buong puso at kaluluwa ang lahat ng iniutos ko sa inyo ngayon,

Deuteronomy 30:2 (UKJV) And shall return unto the LORD your God, and shall obey his voice according to all that I command you this day, you and your children, with all yours heart, and with all your soul;

1Kapag nangyari na sa inyo ang mga bagay na ito – ang mga pagpapala at ang mga sumpa na aking sinabi sa inyo – at maalala ninyo ito kapag naroon na kayo sa mga bansa kung saan ipinabihag kayo ng Panginoon na inyong Diyos,

2at kung sa mga oras na iyon ay magbabalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos, at susundin ninyo nang buong puso at kaluluwa ang lahat ng iniutos ko sa inyo ngayon,

3kaaawaan kayo ng Panginoon na inyong Diyos at titipunin mula sa lahat ng bansa kung saan ipinabihag niya kayo, at pagkatapos ay muling magiging mabuti ang kalagayan ninyo.

4Kahit itinaboy pa niya kayo sa pinakamalayong bahagi ng mundo, titipunin pa rin kayo ng Panginoon na inyong Diyos

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.