1Kapag nangyari na sa inyo ang mga bagay na ito – ang mga pagpapala at ang mga sumpa na aking sinabi sa inyo – at maalala ninyo ito kapag naroon na kayo sa mga bansa kung saan ipinabihag kayo ng Panginoon na inyong Diyos,
2at kung sa mga oras na iyon ay magbabalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos, at susundin ninyo nang buong puso at kaluluwa ang lahat ng iniutos ko sa inyo ngayon,
3kaaawaan kayo ng Panginoon na inyong Diyos at titipunin mula sa lahat ng bansa kung saan ipinabihag niya kayo, at pagkatapos ay muling magiging mabuti ang kalagayan ninyo.
4Kahit itinaboy pa niya kayo sa pinakamalayong bahagi ng mundo, titipunin pa rin kayo ng Panginoon na inyong Diyos
5at pababalikin kayo ng Panginoon sa lupain ng inyong mga ninuno, at aangkinin ninyo ito. Pauunlarin at padadamihin pa niya kayo kaysa sa inyong mga ninuno.