3kaaawaan kayo ng Panginoon na inyong Diyos at titipunin mula sa lahat ng bansa kung saan ipinabihag niya kayo, at pagkatapos ay muling magiging mabuti ang kalagayan ninyo.
4Kahit itinaboy pa niya kayo sa pinakamalayong bahagi ng mundo, titipunin pa rin kayo ng Panginoon na inyong Diyos
5at pababalikin kayo ng Panginoon sa lupain ng inyong mga ninuno, at aangkinin ninyo ito. Pauunlarin at padadamihin pa niya kayo kaysa sa inyong mga ninuno.
6Babaguhin ng Panginoon na inyong Diyos ang mga puso ninyo at ang mga puso ng inyong lahi upang mahalin ninyo siya nang buong pusoʼt kaluluwa, at mabubuhay kayo nang matagal.
7Ipaparanas ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng sumpang ito sa inyong mga kaaway na napopoot at gumigipit sa inyo.