Deuteronomio 30

Babaguhin ng Panginoon na inyong Diyos ang mga puso ninyo at ang mga puso ng inyong lahi upang mahalin ninyo siya nang buong pusoʼt kaluluwa, at mabubuhay kayo nang matagal.

Deuteronomy 30:6 (UKJV) And the LORD your God will circumcise yours heart, and the heart of your seed, to love the LORD your God with all yours heart, and with all your soul, that you may live.

4Kahit itinaboy pa niya kayo sa pinakamalayong bahagi ng mundo, titipunin pa rin kayo ng Panginoon na inyong Diyos

5at pababalikin kayo ng Panginoon sa lupain ng inyong mga ninuno, at aangkinin ninyo ito. Pauunlarin at padadamihin pa niya kayo kaysa sa inyong mga ninuno.

6Babaguhin ng Panginoon na inyong Diyos ang mga puso ninyo at ang mga puso ng inyong lahi upang mahalin ninyo siya nang buong pusoʼt kaluluwa, at mabubuhay kayo nang matagal.

7Ipaparanas ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng sumpang ito sa inyong mga kaaway na napopoot at gumigipit sa inyo.

8Muli ninyong susundin ang Panginoon at tutuparin ang lahat ng utos niyang ibinibigay ko sa inyo ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.