6Babaguhin ng Panginoon na inyong Diyos ang mga puso ninyo at ang mga puso ng inyong lahi upang mahalin ninyo siya nang buong pusoʼt kaluluwa, at mabubuhay kayo nang matagal.
7Ipaparanas ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng sumpang ito sa inyong mga kaaway na napopoot at gumigipit sa inyo.
8Muli ninyong susundin ang Panginoon at tutuparin ang lahat ng utos niyang ibinibigay ko sa inyo ngayon.
9Pauunlarin kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng ginagawa ninyo. Pararamihin niya ang inyong mga anak, mga hayop at ang inyong mga ani, dahil natutuwa ang Panginoon na pagpalain kayo gaya ng pagpapala niya sa inyong mga ninuno.
10Mangyayari ito kung susundin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at tutuparin ang lahat ng utos niya at tuntuning nakasulat sa Aklat ng Kautusan, at kung manunumbalik kayo sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa.