Deuteronomio 30

Pauunlarin kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng ginagawa ninyo. Pararamihin niya ang inyong mga anak, mga hayop at ang inyong mga ani, dahil natutuwa ang Panginoon na pagpalain kayo gaya ng pagpapala niya sa inyong mga ninuno.

Deuteronomy 30:9 (UKJV) And the LORD your God will make you abundant in every work of yours hand, in the fruit of your body, and in the fruit of your cattle, and in the fruit of your land, for good: for the LORD will again rejoice over you for good, as he rejoiced over your fathers:

7Ipaparanas ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng sumpang ito sa inyong mga kaaway na napopoot at gumigipit sa inyo.

8Muli ninyong susundin ang Panginoon at tutuparin ang lahat ng utos niyang ibinibigay ko sa inyo ngayon.

9Pauunlarin kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng ginagawa ninyo. Pararamihin niya ang inyong mga anak, mga hayop at ang inyong mga ani, dahil natutuwa ang Panginoon na pagpalain kayo gaya ng pagpapala niya sa inyong mga ninuno.

10Mangyayari ito kung susundin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at tutuparin ang lahat ng utos niya at tuntuning nakasulat sa Aklat ng Kautusan, at kung manunumbalik kayo sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa.

11Hindi mahirap unawain at gawin ang mga utos na ito na ibinibigay ko sa inyo ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.