Deuteronomio 30

Mangyayari ito kung susundin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at tutuparin ang lahat ng utos niya at tuntuning nakasulat sa Aklat ng Kautusan, at kung manunumbalik kayo sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa.

Deuteronomy 30:10 (UKJV) If you shall hearken unto the voice of the LORD your God, to keep his commandments and his statutes which are written in this book of the law, and if you turn unto the LORD your God with all yours heart, and with all your soul.

8Muli ninyong susundin ang Panginoon at tutuparin ang lahat ng utos niyang ibinibigay ko sa inyo ngayon.

9Pauunlarin kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng ginagawa ninyo. Pararamihin niya ang inyong mga anak, mga hayop at ang inyong mga ani, dahil natutuwa ang Panginoon na pagpalain kayo gaya ng pagpapala niya sa inyong mga ninuno.

10Mangyayari ito kung susundin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at tutuparin ang lahat ng utos niya at tuntuning nakasulat sa Aklat ng Kautusan, at kung manunumbalik kayo sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa.

11Hindi mahirap unawain at gawin ang mga utos na ito na ibinibigay ko sa inyo ngayon.

12Wala ito sa langit para magtanong kayo, “Sino ba ang aakyat sa langit para kunin ito at ipahayag sa atin upang masunod natin?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.