8Pangungunahan ka ng Panginoon at sasamahan ka niya; hindi ka niya iiwan o pababayaan man. Kaya huwag kang matakot ni panghinaan ng loob.”
9Isinulat ni Moises ang mga utos na ito at ibinigay sa mga paring lahi ni Levi, na siyang mga tagabuhat ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, at sa lahat ng tagapamahala ng Israel.
10Pagkatapos, inutusan sila ni Moises, “Sa pagtatapos ng bawat pitong taon na siyang taon ng pagkakansela ng mga utang, habang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol,
11babasahin ninyo ang mga utos na ito sa lahat ng mga Israelita kung magtitipon sila sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos sa lugar na pipiliin niya.
12Tipunin ang mga tao – mga lalaki, babae, bata at mga dayuhang naninirahan sa bayan nʼyo – upang makapakinig sila at matutong gumalang sa Panginoon na inyong Diyos at sumunod nang mabuti sa lahat ng ipinatutupad ng mga utos na ito.