19Nakita ito ng Panginoon, at dahil sa kanyang galit, itinakwil niya sila na kanyang mga anak.
20“Tatalikuran ko sila,” sabi ng Panginoon, “at titingnan ko kung ano ang kanilang kahihinatnan, sapagkat silaʼy masamang henerasyon, mga anak na hindi matapat.
21Pinagselos nila ako sa mga hindi tunay na diyos, at ginalit nila ako sa kanilang walang kuwentang mga diyos-diyosan. Kaya pagseselosin ko rin sila sa pamamagitan ng pagpapala ko sa ibang mga lahi. Gagalitin ko sila sa pamamagitan ng pagpapala ko sa mga mangmang na bansa.”
22Naglalagablab na parang apoy ang aking galit; susunugin nito ang lupa at ang lahat ng naroon, pati ang kailaliman ng lupa, at ang pundasyon ng mga bundok.
23“Tatambakan ko sila ng mga kalamidad, at tatamaan sila ng aking mga pana.