Deuteronomio 32

“Tatalikuran ko sila,” sabi ng Panginoon, “at titingnan ko kung ano ang kanilang kahihinatnan, sapagkat silaʼy masamang henerasyon, mga anak na hindi matapat.

Deuteronomy 32:20 (UKJV) And he said, I will hide my face from them, I will see what their end shall be: for they are a very perverse generation, children in whom is no faith.

18Kinalimutan nila ang Diyos na Batong kanlungan at lumikha sa kanila.

19Nakita ito ng Panginoon, at dahil sa kanyang galit, itinakwil niya sila na kanyang mga anak.

20“Tatalikuran ko sila,” sabi ng Panginoon, “at titingnan ko kung ano ang kanilang kahihinatnan, sapagkat silaʼy masamang henerasyon, mga anak na hindi matapat.

21Pinagselos nila ako sa mga hindi tunay na diyos, at ginalit nila ako sa kanilang walang kuwentang mga diyos-diyosan. Kaya pagseselosin ko rin sila sa pamamagitan ng pagpapala ko sa ibang mga lahi. Gagalitin ko sila sa pamamagitan ng pagpapala ko sa mga mangmang na bansa.”

22Naglalagablab na parang apoy ang aking galit; susunugin nito ang lupa at ang lahat ng naroon, pati ang kailaliman ng lupa, at ang pundasyon ng mga bundok.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.