Deuteronomio 33

Umani sana nang sagana ang kanilang lupa dahil sa kabutihan ng Diyos na nagpahayag sa kanila sa naglalagablab na mababang punongkahoy. Manatili sana ang mga pagpapalang ito sa lahi ni Jose dahil nakakahigit siya sa kanyang mga kapatid.

Deuteronomy 33:16 (UKJV) And for the precious things of the earth and fullness thereof, and for the good will of him that dwelt in the bush: let the blessing come upon the head of Joseph, and upon the top of the head of him that was separated from his brethren.

14Sa tulong ng araw, mamunga sana nang maayos ang kanilang mga pananim at mamunga sa tamang panahon nito.

15Sana ang kanilang sinaunang kabundukan at kaburulan ay magkaroon ng mabuti at masaganang mga bunga.

16Umani sana nang sagana ang kanilang lupa dahil sa kabutihan ng Diyos na nagpahayag sa kanila sa naglalagablab na mababang punongkahoy. Manatili sana ang mga pagpapalang ito sa lahi ni Jose dahil nakakahigit siya sa kanyang mga kapatid.

17Ang kanyang lakas ay katulad ng lakas ng batang bakang lalaki. Ang kanyang kapangyarihan ay katulad ng kapangyarihan ng sungay ng mailap na baka. Sa pamamagitan nito, ibabagsak niya ang mga bansa kahit na ang mga nasa malayo. Ganito ang aking pagpapala sa maraming mamamayan ng Efraim at Manases.”

18Sinabi ni Moises tungkol sa lahi nila Zebulun at Isacar, “Matutuwa ang lahi nina Zebulun at Isacar dahil uunlad sila sa kanilang lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.