Deuteronomio 33

Ang walang hanggang Diyos ang inyong kanlungan; palalakasin niya kayo sa pamamagitan ng walang hanggan niyang kapangyarihan. Palalayasin niya ang inyong mga kaaway sa inyong harapan, at iuutos niya sa inyo, ‘Lipulin ninyo sila.’

Deuteronomy 33:27 (UKJV) The eternal God is your refuge, and underneath are the everlasting arms: and he shall thrust out the enemy from before you; and shall say, Destroy them.

25At sanaʼy maprotektahan ng mga tarangkahang bakal at tanso ang mga pintuan ng kanilang lungsod, at sanaʼy manatili ang kanilang kadakilaan habang silaʼy nabubuhay.

26Walang katulad ang Diyos ng Israel. Sa kanyang kadakilaan, sumasakay siya sa ulap para matulungan kayo. Sa kanyang kadakilaan dumarating siya mula sa langit.

27Ang walang hanggang Diyos ang inyong kanlungan; palalakasin niya kayo sa pamamagitan ng walang hanggan niyang kapangyarihan. Palalayasin niya ang inyong mga kaaway sa inyong harapan, at iuutos niya sa inyo, ‘Lipulin ninyo sila.’

28Kaya mamumuhay ang Israel na malayo sa kapahamakan, sapagkat payapa ang lahi ni Jacob sa lupaing sagana sa trigo at bagong alak, at kung saan ang hamog na mula sa langit ay nagbibigay ng tubig sa lupa.

29Pinagpala kayo, mga mamamayan ng Israel! Wala kayong katulad, isang bansang iniligtas ng Panginoon. Ang Panginoon ang pananggalang at tulong ninyo, at siya ang makikipaglaban para sa inyo. Gagapang ang inyong mga kaaway papunta sa inyo, at tatapakan ninyo sila sa likod.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.