7Si Moises ay 120 taóng gulang nang mamatay, ngunit malakas pa rin siya, at malinaw pa ang paningin.
8Ipinagluksa ng mga Israelita si Moises doon sa kapatagan ng Moab hanggang sa Natapos ang itinakdang bilang ng araw ng pagluluksa na tatlumpong araw.
9Ngayon, si Josue na anak ni Nun ay binigyan ng Espiritu ng karunungan dahil pinili siya ni Moises na pumalit sa kanya sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay nito sa kanya. Kaya sinunod siya ng mga Israelita, at ginawa nila ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
10Mula noon, wala nang propeta pa sa Israel na katulad ni Moises, na nakakausap ng Panginoon nang harapan.
11Isinugo ng Panginoon si Moises para gumawa ng mga himala at mga kamangha-manghang bagay sa Ehipto laban sa Faraon, sa kanyang mga opisyal at sa buong bansa.