Deuteronomio 34

Ipinagluksa ng mga Israelita si Moises doon sa kapatagan ng Moab hanggang sa Natapos ang itinakdang bilang ng araw ng pagluluksa na tatlumpong araw.

Deuteronomy 34:8 (UKJV) And the children of Israel wept for Moses in the plains of Moab thirty days: so the days of weeping and mourning for Moses were ended.

6Inilibing siya sa Moab, sa lambak na nakaharap sa Bet-peor, subalit hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung saan talaga libingan niya.

7Si Moises ay 120 taóng gulang nang mamatay, ngunit malakas pa rin siya, at malinaw pa ang paningin.

8Ipinagluksa ng mga Israelita si Moises doon sa kapatagan ng Moab hanggang sa Natapos ang itinakdang bilang ng araw ng pagluluksa na tatlumpong araw.

9Ngayon, si Josue na anak ni Nun ay binigyan ng Espiritu ng karunungan dahil pinili siya ni Moises na pumalit sa kanya sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay nito sa kanya. Kaya sinunod siya ng mga Israelita, at ginawa nila ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

10Mula noon, wala nang propeta pa sa Israel na katulad ni Moises, na nakakausap ng Panginoon nang harapan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.