Deuteronomio 4

Alalahanin ninyo ang araw na tumayo kayo sa harap ng Panginoon na inyong Diyos sa Bundok ng Sinai, kung saan sinabi niya sa akin, “Tipunin mo ang mga mamamayan sa aking harapan para makinig sa aking mga salita upang matuto silang matakot sa akin habang nabubuhay pa sila, at para maituro nila ito sa kanilang mga anak.”

Deuteronomy 4:10 (UKJV) Specially the day that you stood before the LORD your God in Horeb, when the LORD said unto me, Gather me the people together, and I will make them hear my words, that they may learn to fear me all the days that they shall live upon the earth, and that they may teach their children.

8At wala nang iba pang makapangyarihang bansa na may matutuwid na mga utos at tuntunin na katulad ng itinuro ko sa inyo ngayon.

9Ngunit mag-ingat kayo! Huwag ninyong kalilimutan ang mga bagay na inyong nakita na ginawa ng Panginoon. Kailangang manatili ito sa inyong mga puso habang nabubuhay kayo. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo.

10Alalahanin ninyo ang araw na tumayo kayo sa harap ng Panginoon na inyong Diyos sa Bundok ng Sinai, kung saan sinabi niya sa akin, “Tipunin mo ang mga mamamayan sa aking harapan para makinig sa aking mga salita upang matuto silang matakot sa akin habang nabubuhay pa sila, at para maituro nila ito sa kanilang mga anak.”

11Pagkatapos, lumapit kayo sa akin at tumayo sa ibaba ng bundok habang naglalagablab ito na abot hanggang langit, na binalutan ng kadiliman dahil sa maitim na ulap.

12Pagkatapos, nagsalita ang Panginoon mula sa gitna ng apoy. Narinig ninyo ang kanyang boses, ngunit wala kayong nakita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.