6Sundin ninyo ito nang buong tapat, dahil sa pamamagitan nitoʼy maipapakita ninyo ang inyong kaalaman at pang-unawa sa ibang mga bansa. Kung maririnig nilang lahat ang tuntuning ito, sasabihin nila, “Totoo nga na marunong at may pang-unawa ang mga tao ng makapangyarihang bansang ito.”
7Wala nang iba pang makapangyarihang bansa na may diyos na malapit sa kanila gaya ng Panginoon na ating Diyos na malapit sa atin sa mga panahong tumatawag tayo sa kanya.
8At wala nang iba pang makapangyarihang bansa na may matutuwid na mga utos at tuntunin na katulad ng itinuro ko sa inyo ngayon.
9Ngunit mag-ingat kayo! Huwag ninyong kalilimutan ang mga bagay na inyong nakita na ginawa ng Panginoon. Kailangang manatili ito sa inyong mga puso habang nabubuhay kayo. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo.
10Alalahanin ninyo ang araw na tumayo kayo sa harap ng Panginoon na inyong Diyos sa Bundok ng Sinai, kung saan sinabi niya sa akin, “Tipunin mo ang mga mamamayan sa aking harapan para makinig sa aking mga salita upang matuto silang matakot sa akin habang nabubuhay pa sila, at para maituro nila ito sa kanilang mga anak.”