Deuteronomio 4

Wala nang iba pang makapangyarihang bansa na may diyos na malapit sa kanila gaya ng Panginoon na ating Diyos na malapit sa atin sa mga panahong tumatawag tayo sa kanya.

Deuteronomy 4:7 (UKJV) For what nation is there so great, who has God so nigh unto them, as the LORD our God is in all things that we call upon him for?

5Itinuturo ko sa inyo ang mga utos at mga tuntunin na ibinigay sa akin ng Panginoon na aking Diyos para inyong sundin pagdating ninyo sa lupaing sasakupin ninyo at titirhan.

6Sundin ninyo ito nang buong tapat, dahil sa pamamagitan nitoʼy maipapakita ninyo ang inyong kaalaman at pang-unawa sa ibang mga bansa. Kung maririnig nilang lahat ang tuntuning ito, sasabihin nila, “Totoo nga na marunong at may pang-unawa ang mga tao ng makapangyarihang bansang ito.”

7Wala nang iba pang makapangyarihang bansa na may diyos na malapit sa kanila gaya ng Panginoon na ating Diyos na malapit sa atin sa mga panahong tumatawag tayo sa kanya.

8At wala nang iba pang makapangyarihang bansa na may matutuwid na mga utos at tuntunin na katulad ng itinuro ko sa inyo ngayon.

9Ngunit mag-ingat kayo! Huwag ninyong kalilimutan ang mga bagay na inyong nakita na ginawa ng Panginoon. Kailangang manatili ito sa inyong mga puso habang nabubuhay kayo. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.