3Nakita ninyo ang ginawa ng Panginoon sa Baal Peor. Pinuksa ng Panginoon na inyong Diyos ang mga kapwa ninyo Israelita na sumamba kay Baal.
4Ngunit kayong matatapat sa Panginoon na inyong Diyos ay buháy pa hanggang ngayon.
5Itinuturo ko sa inyo ang mga utos at mga tuntunin na ibinigay sa akin ng Panginoon na aking Diyos para inyong sundin pagdating ninyo sa lupaing sasakupin ninyo at titirhan.
6Sundin ninyo ito nang buong tapat, dahil sa pamamagitan nitoʼy maipapakita ninyo ang inyong kaalaman at pang-unawa sa ibang mga bansa. Kung maririnig nilang lahat ang tuntuning ito, sasabihin nila, “Totoo nga na marunong at may pang-unawa ang mga tao ng makapangyarihang bansang ito.”
7Wala nang iba pang makapangyarihang bansa na may diyos na malapit sa kanila gaya ng Panginoon na ating Diyos na malapit sa atin sa mga panahong tumatawag tayo sa kanya.