Deuteronomio 4

Ngunit kung hahanapin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos, makikita ninyo siya, kung hahanapin ninyo siya nang buong puso.

Deuteronomy 4:29 (UKJV) But if from thence you shall seek the LORD your God, you shall find him, if you seek him with all your heart and with all your soul.

27Ikakalat kayo ng Panginoon sa ibang mga bansa, at kaunti lang ang matitira sa inyo doon sa mga bansa kung saan kayo itataboy ng Panginoon.

28At doon na kayo sasamba sa mga diyos na gawa sa kahoy at bato, na hindi nakakakita, nakakarinig, nakakakain o nakakaamoy.

29Ngunit kung hahanapin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos, makikita ninyo siya, kung hahanapin ninyo siya nang buong puso.

30Kapag dumating ang kahirapan sa inyo, sa bandang huliʼy manunumbalik kayo sa Panginoon na inyong Diyos at susundin ninyo siya.

31Sapagkat mahabagin ang Panginoon na inyong Diyos, hindi niya kayo pababayaan o lilipulin. Hindi niya kalilimutan ang kasunduang kanyang ipinangako sa inyong mga ninuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.