Deuteronomio 4

Sapagkat mahabagin ang Panginoon na inyong Diyos, hindi niya kayo pababayaan o lilipulin. Hindi niya kalilimutan ang kasunduang kanyang ipinangako sa inyong mga ninuno.

Deuteronomy 4:31 (UKJV) (For the LORD your God is a merciful God;) he will not forsake you, neither destroy you, nor forget the covenant of your fathers which he swore unto them.

29Ngunit kung hahanapin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos, makikita ninyo siya, kung hahanapin ninyo siya nang buong puso.

30Kapag dumating ang kahirapan sa inyo, sa bandang huliʼy manunumbalik kayo sa Panginoon na inyong Diyos at susundin ninyo siya.

31Sapagkat mahabagin ang Panginoon na inyong Diyos, hindi niya kayo pababayaan o lilipulin. Hindi niya kalilimutan ang kasunduang kanyang ipinangako sa inyong mga ninuno.

32Alalahanin ninyo ang mga nangyari mula nang araw na nilikha ng Diyos ang tao sa mundo hanggang ngayon. Libutin ninyo ang buong mundo kung may makikita kayong kamangha-manghang bagay na nangyari katulad ng mga ito.

33Mayroon pa bang ibang tao na nabuhay pagkatapos nilang marinig ang boses ng Diyos mula sa apoy, kagaya ninyo?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.