Deuteronomio 4

Alalahanin ninyo ang mga nangyari mula nang araw na nilikha ng Diyos ang tao sa mundo hanggang ngayon. Libutin ninyo ang buong mundo kung may makikita kayong kamangha-manghang bagay na nangyari katulad ng mga ito.

Deuteronomy 4:32 (UKJV) For ask now of the days that are past, which were before you, since the day that God created man upon the earth, and ask from the one side of heaven unto the other, whether there has been any such thing as this great thing is, or has been heard like it?

30Kapag dumating ang kahirapan sa inyo, sa bandang huliʼy manunumbalik kayo sa Panginoon na inyong Diyos at susundin ninyo siya.

31Sapagkat mahabagin ang Panginoon na inyong Diyos, hindi niya kayo pababayaan o lilipulin. Hindi niya kalilimutan ang kasunduang kanyang ipinangako sa inyong mga ninuno.

32Alalahanin ninyo ang mga nangyari mula nang araw na nilikha ng Diyos ang tao sa mundo hanggang ngayon. Libutin ninyo ang buong mundo kung may makikita kayong kamangha-manghang bagay na nangyari katulad ng mga ito.

33Mayroon pa bang ibang tao na nabuhay pagkatapos nilang marinig ang boses ng Diyos mula sa apoy, kagaya ninyo?

34Mayroon pa bang ibang Diyos na nangahas na kunin ang isang grupo ng mga mamamayan mula sa isang bansa para maging kanya sa pamamagitan ng mga pagsubok, himala, mga kamangha-manghang bagay, digmaan o mga makapangyarihang gawa? Subalit iyan ang ginawa ng Panginoon na inyong Diyos doon sa Ehipto, at kayo mismo ang nakakita nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.