15Alalahanin ninyong mga alipin kayo noon sa Ehipto, at ako ang Panginoon na inyong Diyos ang naglabas sa inyo roon sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan. Kaya ako, ang Panginoon na inyong Diyos ay nag-uutos sa inyo na sundin ninyo ang Araw ng Pamamahinga.
16Igalang ninyo ang inyong mga magulang, ayon sa iniutos ng Panginoon sa inyo upang mabuhay kayo nang matagal at maging mabuti ang inyong kalagayan sa lupaing ibinibigay ko sa inyo.
17Huwag kayong papatay.
18Huwag kayong mangangalunya.
19Huwag kayong magnanakaw.