Deuteronomio 5

Alalahanin ninyong mga alipin kayo noon sa Ehipto, at ako ang Panginoon na inyong Diyos ang naglabas sa inyo roon sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan. Kaya ako, ang Panginoon na inyong Diyos ay nag-uutos sa inyo na sundin ninyo ang Araw ng Pamamahinga.

Deuteronomy 5:15 (UKJV) And remember that you were a servant in the land of Egypt, and that the LORD your God brought you out thence through a mighty hand and by a stretched out arm: therefore the LORD your God commanded you to keep the sabbath day.

13Magtrabaho kayo sa loob ng anim na araw,

14ngunit ang ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga ay ilaan ninyo para sa akin, ang Panginoon, na inyong Diyos. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na ito pati ang inyong mga anak, mga alipin, mga baka, mga asno at iba pang mga hayop, o ang mga dayuhang naninirahang kasama mo. Sa ganitong paraan ay makakapagpahinga ring katulad ninyo ang inyong mga alipin.

15Alalahanin ninyong mga alipin kayo noon sa Ehipto, at ako ang Panginoon na inyong Diyos ang naglabas sa inyo roon sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan. Kaya ako, ang Panginoon na inyong Diyos ay nag-uutos sa inyo na sundin ninyo ang Araw ng Pamamahinga.

16Igalang ninyo ang inyong mga magulang, ayon sa iniutos ng Panginoon sa inyo upang mabuhay kayo nang matagal at maging mabuti ang inyong kalagayan sa lupaing ibinibigay ko sa inyo.

17Huwag kayong papatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.