Deuteronomio 5

ngunit ang ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga ay ilaan ninyo para sa akin, ang Panginoon, na inyong Diyos. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na ito pati ang inyong mga anak, mga alipin, mga baka, mga asno at iba pang mga hayop, o ang mga dayuhang naninirahang kasama mo. Sa ganitong paraan ay makakapagpahinga ring katulad ninyo ang inyong mga alipin.

Deuteronomy 5:14 (UKJV) But the seventh day is the sabbath of the LORD your God: in it you shall not do any work, you, nor your son, nor your daughter, nor your manservant, nor your maidservant, nor yours ox, nor yours ass, nor any of your cattle, nor your stranger that is within your gates; that your manservant and your maidservant may rest as well as you.

12Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, at gawin ninyo itong natatanging araw para sa akin, ang Panginoon na iyong Diyos, ayon sa iniutos ko sa inyo.

13Magtrabaho kayo sa loob ng anim na araw,

14ngunit ang ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga ay ilaan ninyo para sa akin, ang Panginoon, na inyong Diyos. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na ito pati ang inyong mga anak, mga alipin, mga baka, mga asno at iba pang mga hayop, o ang mga dayuhang naninirahang kasama mo. Sa ganitong paraan ay makakapagpahinga ring katulad ninyo ang inyong mga alipin.

15Alalahanin ninyong mga alipin kayo noon sa Ehipto, at ako ang Panginoon na inyong Diyos ang naglabas sa inyo roon sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan. Kaya ako, ang Panginoon na inyong Diyos ay nag-uutos sa inyo na sundin ninyo ang Araw ng Pamamahinga.

16Igalang ninyo ang inyong mga magulang, ayon sa iniutos ng Panginoon sa inyo upang mabuhay kayo nang matagal at maging mabuti ang inyong kalagayan sa lupaing ibinibigay ko sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.