Deuteronomio 5

Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, at gawin ninyo itong natatanging araw para sa akin, ang Panginoon na iyong Diyos, ayon sa iniutos ko sa inyo.

Deuteronomy 5:12 (UKJV) Keep the sabbath day to sanctify it, as the LORD your God has commanded you.

10Ngunit ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa napakaraming henerasyong nagmamahal sa akin at sumusunod sa mga utos ko.

11Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ko sa walang kabuluhan. Ako ang Panginoon na inyong Diyos, ang magpaparusa sa sinumang gagamit ng pangalan ko sa walang kabuluhan.

12Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, at gawin ninyo itong natatanging araw para sa akin, ang Panginoon na iyong Diyos, ayon sa iniutos ko sa inyo.

13Magtrabaho kayo sa loob ng anim na araw,

14ngunit ang ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga ay ilaan ninyo para sa akin, ang Panginoon, na inyong Diyos. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na ito pati ang inyong mga anak, mga alipin, mga baka, mga asno at iba pang mga hayop, o ang mga dayuhang naninirahang kasama mo. Sa ganitong paraan ay makakapagpahinga ring katulad ninyo ang inyong mga alipin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.